The Tito Jokes Archive

The jokes a Filipino generation grew up on. Open Tito Jokes to rate them and add the ones you remember.

Ano tawag sa pelikula na mapapanood sa loob ng bus?

Edi palaBUS

Naligo ang kapitan, hindi nabasa ang tiyan.

Bangka

Nang hatakin ko ang baging, nagkagulo ang mga tuko.

Kampana

Isang balong malalim, punong-puno ng patalim.

Bibig

Hindi hari, hindi pari, nagdaramit ng sari-sari.

Sampayan

Walang puno, walang ugat, hitik na hitik sa bulaklak.

Langit at mga bituin

Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.

Banig

Baboy ko sa pulo, ang balahibo ay pako.

Langka

Kung araw ay patay, kung gabi ay buhay.

Ilaw

Bahay ni Giring-giring, butas-butas ang dingding.

Bithay

Buto't balat, lumilipad.

Saranggola

Heto na si Lolo, hila-hila ang bituka.

Karayom at sinulid

Isang prinsesa, nakaupo sa tasa.

Kasoy

Nagtago si Pedro, ang ulo'y nakalitaw.

Pako

Eto na si Kaka, bubuka-buka.

Gunting

Baston ni Adan, hindi mabilang.

Ulan

Sinong artista ang assumerang lahat ng bagay ay sa kanya?

Edi si Angeline 'kin-to?

Sinong artista ang spokesperson ng national technical & vocational training?

Edi si Barbie ForTESDA

Sinong artista ang nagliliyab?

Edi si Charlie Flaming

Sinong artista ang kaladkarin?

Edi si Kylene Alika-n-tara

Ano dapat mga sponsorship ni Gary V?

Jollibee, V-Cut, Meralco

Sinong artista ang todo walwal?

Edi si P-YOLO Pascual

Sinong artista ang parating single?

Edi si Bea Alone-so

Sinong artista ang sobrang ganda tapos biglang ichecheck bag mo?

Edi si Angel Guard-yan!

Sinong artista ang naka labas ang dila parati?

Edi si Belat Pa-dila

Sinong beauty queen ang parating okay?

Edi si Catriona Great!

Anak ba ni Ding Dong Dantes

Si Belle Mariano?

Sinong BINI ang una di sure pero naalala din niya na tama?

Edi si BINI ah, yeah.

May tumatawag sayo na artista. Sino yan?

Edi si Max Collings

Bakit nag break sina Alyssa Valdez?

E diba Keep her Ravena dapat?

Magkaaway ba si Norman Black

At dWHITE Ramos?

Magkaaway ba si Kath Bernardo

at Doug Kramer?

Sinong artista ang nahihiyang magtanong kung pwede mag CR?

Pa..pa Pee

Sinong artista ang hubadera?

Edi si Sofia Undress

Sinong artista ang nagbabalat ng plastic ng ensaymada?

Edi si Andres Mulach

Anong sabi ng Bini nung tumingin sa salamin?

Bini, me ka?

Pag laki ni Enrique Gil

Magiging Jimmy Bondoc ba siya?

Sinong artista ang di mailing sa probinsya?

Edi si Sitti

Kung natapilok siya

Kaya pa ba ni Alexa Ilacad?

Si Ara Mina ba ang nagbunga kay

Andrea Brillantes?

Sino mas maaga gumising kay Aga Mulach?

Edi si Dawn Zulueta

Sinong artista ang mahilig sa papaya at di sayote?

Edi si Kai MonTINOLA

Pamangkin ba ni Tito Sotto

Si Denise Laurel?

Sinong mga politiko ang kakanin?

Edi si Bico Sotto, Piyaya Cayetano, at puto BongBong Marcos.

Sinong artista ang parating nagbibigay ng consent?

Edi si Ivana Allawit

Sinong artista ang parating masaya ang mga ka-deal?

Edi si Wynwyn Marquez

Sinong artista ang masyadong napindot?

Edi si Nadiin Lustre

Sinong pari ang nabasa ang message mo?

Edi si Cardinal seen

Sinong artista ang sobrang taba di na niya makita paa niya?

Edi si Jimmy Saan-toes?

Sinong artista ang paborito ang New York, the big apple?

Edi si Laki Manzanas

Sinong artista ang parating may dalang Tupperware?

Edi si Sharon.

Sinong artista ang never nalolock sa kwarto?

Edi si Mikee (Coujanco)

Sinong artista ang mahilig sa sapatos?

Esi si Kim Chiu

Ano tawag sa babaeng puto?

Edi kutsinta (bad ka)

Anong lugar ang di mahilig sa steak?

Edi Vigan

Anong lugar ang kulang pa sa hugas?

Edi Cebu

Anong hayop ang walang sariling panindigan at nakikisakay na lang?

Edi tamaraw

Sinong artista ang di nagkakasakit?

Edi si Enrique Heal

Paano nagka building ang La Salle sa Taft?

Edi Benilde

Anong hayop ang parting kulang?

Edi tupa

Bakit kinakahiya ng bibe tatay niya?

Kasi pag naglalakad tatay niya, kumekembot!

Bakit Coldplay tawag sa banda nila?

Cause it was all yelo

May joke ako tungkol sa mayonnaise

Pero wag mong i-spread a

Guro: Bakit laging mali ang sagot mo?

Estudyante: Hindi po mali, ma'am, advanced lang sa susunod na tanong.

Anong hayop ang pinakatanga? Edi isda! Bakit?

Kasi ang laki ng dagat, nagsisiksikan sila sa lata!

Guro: Juan, ano ang kalahati ng walo? Pahalang o patayo?

Juan: Pahalang po, zero. Patayo po, tatlo!

Teacher: Juan, give me a sentence that starts with "I." Juan: I is— Teacher: No! Always say "I AM."

Juan: Okay po. I AM the ninth letter of the alphabet.

Guro: Juan, may sampung kendi ako, kumain ako ng tatlo. Ano ang mayroon ako ngayon?

Juan: Problema sa ngipin po.

Teacher: Juan, use "denial" in a sentence.

Juan: DENIAL is a river in Egypt, ma'am. (the Nile)

Teacher: Juan, why are you doing your multiplication on the floor?

Juan: Sabi ninyo po, wag gagamit ng tables!

Anong tawag mo sa mga isdang nagsiksikan?

Edi SARDINAS!

Anong hayop ang mahilig kumanta?

Edi PALAKAnta! (palaka)

Anu-anong isda ang dalawang beses inuulit ang pangalan?

Edi hasa-hasa, lapu-lapu, sapsap, at iba pa.

Anong hayop ang napuputol?

Edi CAT! (cut)

Guro: Juanito, ituro mo ang Pilipinas sa mapa. (Itinuro.) Guro: Magaling! Klase, sino ang nakatuklas ng Pilipinas?

Klase: Edi si Juanito po!

Anong hayop ang sumasabog?

Edi paGONG! (bong)

Anong hayop ang mahilig mag-brief?

Edi BIRD! (brief)

Eh yung isdang tatlong beses inuulit ang pangalan?

Edi 555!

Teacher: Juan, spell "Mississippi."

Juan: Yung river po o yung state?

Teacher: Juan, use "unaware" in a sentence.

Juan: UNAWARE is my underwear, ma'am.

Anong tawag mo sa palaman na isda?

Edi JELLYFISH!

Guro: Juan, ilang buwan ang may 28 na araw?

Juan: Lahat po, ma'am!

Guro: Juan, magbigay ka ng tatlong patunay na bilog ang mundo.

Juan: Una, sabi ninyo. Pangalawa, sabi sa libro. Pangatlo, sabi ni Tatay.

Help! 25 lang ang alam kong alphabet.

I don't know Y.

Guro: Sino ang sumulat ng Noli Me Tangere? Estudyante (kinakabahan): Hindi po ako, ma'am! Tinawag ang tatay. Guro: Hindi inaamin ng anak n'yo na siya ang sumulat ng Noli.

Tatay: Ma'am, kung inamin niyang siya, bayaran na natin. Wag na nating palakihin.

Anong tawag sa kamag-anak ng magnanakaw?

RELA-THIEVES.

Teacher: What is the chemical formula for water? Juan: H-I-J-K-L-M-N-O po. Teacher: Ha?

Juan: Sabi ninyo kahapon, H-to-O po, e!

Namatay ang Pinoy, napunta sa impyerno. May kanya-kanyang impyerno bawat bansa: electric chair, bed of nails, latigo. Pero ang haba ng pila sa impyerno ng Pinoy. Bakit?

Brownout kaya patay ang electric chair, ninakaw ang pako para ibenta, at ang demonyo dating opisyal — pumapasok, nagpa-time card, nakikipag-kamay, tapos uuwi.

Ano ang ginagawa ng nagrerebeldeng tinapay?

Nag-aalsa!

Ano ang binabayaran natin sa tapsilog?

Yung tapa at sinangag lang. Kasi pritong itlog, e. (free-tong)

Juan: Saan po ang bahay ni Aling Nena? Pedro: Diretso, kanto kanan, kaliwa, kaliwa uli, kaliwa uli, tapos diretso hanggang berdeng gate. Juan: Naku, ang layo pala!

Pedro: Pero kung nagmamadali ka, ayan lang sa tapat.

Anong tawag sa superior ng mga madre?

NUN of the above!

Guro: Bibigyan kita ng dalawang aso, dagdagan ko ng dalawa pa. Ilan lahat? Juan: Lima po! Guro: Mali, apat dapat!

Juan: May aso na po kasi ako sa bahay, ma'am.

Ano sa Chinese ang "ipakita mo sa akin ang aking ina"?

Siomai Mami. (show my mommy)

Anong bansa ang laging wala sa pinagpipilian?

Neitherlands.

Knock, knock. Who's there? New Zealand. New Zealand who?

New Zealand ka sa mundong ito... ( ‘di na isa-isa)

Class, ano ang ibig sabihin ng "effort"?

Dun po lumalapag ang mga "eff-lane," ma'am.

Kung may gusto ka sa kapitbahay mo, sabihin mo na.

Because it's now or NEIGHBOR.

Anong tawag sa anak ng taong grasa?

Baby oil!

Anong sinabi ni Patatas nang makasalubong niya ang tito niya?

Hello, Potato!

Anong tawag sa titong makulit?

Uncle-lit!

Anong tawag sa baklang may dalang kampana?

Keribels! (kering bells)

Ruso, Chinese, at Pinoy sa bangka. Itinapon ng Ruso ang baril niya: "Marami kami niyan sa amin." Itinapon ng Chinese ang cellphone: "Marami kami niyan sa China."

Itinapon ng Pinoy ang Chinese: "Marami kami niyan sa Pilipinas."

May petchay na tumatawid ng kalsada, nabundol ng truck. Dinala agad sa ospital. Lumabas ang doktor at sinabi sa pamilya:

Ikinalulungkot ko, gulay na siya.

Anong tawag sa pari na sobrang taba?

Obese po. (obispo)

What did one Filipino statue say to the other?

Is statue? (is that you)

Ano ang favorite chord ni Freddie Aguilar?

Edi A minor. (Anak)

Saan umiikot ang mga spaceship?

Edi SATURN! (sa turn)

What do you call a Filipino contortionist?

A Manila folder.

Paano magkamustahan ang mga hiphop priest?

What's up, my homily?!

Ano ang sinabi ng tinapay nang hinihiwa na siya?

A-RYE! (aray)

Anong sabi ng Android nang madapa si Apple?

iOS ka lang? (ay, ostia)

Non-binary pala si Jopay. Anong pronouns niya?

They/she. They/she/syete!

Ina: Magbilang ka mula isa hanggang sampu. Anak: Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim... hanggang doon na lang po. Ina: Ang bobo mo! Anak: Mas bobo si Tatay!

Ina: Bakit? Anak: Narinig ko siya kagabi sa kwarto ni yaya, "Tama na! Hanggang tatlo lang ang kaya ko!"

Bakit walang girlfriend si Ed Sheeran?

Kasi Sheeran Away.

Kailan ang graduation ng kuting?

Pagkatapos ng K-10. (kitten)

May estudyanteng palaging nagpapatawa sa apelyido ng teacher nilang si Miss Pruki. Pinagalitan siya: "Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?"

Estudyante: Opo, Miss Prekprek.

Anong tawag sa computer na tumatawa?

Edi LAUGHtop!

Paano ka magkakaroon ng kaibigan sa Ateneo?

Edi ADMU! (add mu)

What did the milk say when it got caught?

They GATAS! (got us)

Di ba ito yung ulam mo nung almusal, tapos ulam mo rin ng tanghalian?

Omelette. (oh, ‘ya na ‘yan ulit)

Tinanong ko ang pari kung ano ang past time niya ngayon.

Sagot niya: As of now, NUN, my child... nun...

Saang parte ng subdivision maraming tinapay?

Sa Phase Three. (pan)

May magic pool na nagiging kahit anong inumin pag sinigaw mo. Hapon: "Sake!" — bumagsak sa alak. Ruso: "Vodka!" — bumagsak sa vodka. Pinoy: "Lambanog!" — bumagsak sa tuba. Amerikano tumakbo...

Nadulas sa banana peel, sumigaw: "Sh*t!"

Anong ngipin ang sumasabog?

BAGAAANG! (bagang)

Araw-araw nagtatanong ang bata sa nagtitinda ng fishball, "Manong, may ubas kayo?" Inis na ang manong: "Wala! Bukas magtanong ka pa, ista-stapler ko ang bibig mo!" Kinabukasan:

Bata: Manong, may stapler kayo? Manong: Wala. Bata: May ubas kayo?

Anong tawag sa kalabaw na umaakyat ng puno?

Magaling!

May babaeng nangungulangot sa jeep. Tinanong ng katabing lola: "Iha, anong kinukuha mo?" Sagot ng bata: "Nursing po."

Lola: Ah, akala ko kulangot.

Bakit kinukulong ang ibang baka?

Kasi magnanaCOW sila. Ang tawag sa kanila ay COWatan.

Teacher: Juan, use "fascinate" in a sentence.

Juan: My shirt has ten buttons but I can only FASCINATE. (fasten eight)

Kung ang egg sa Japanese ay tamago, ano naman ang century egg?

A long tamago. (a long time ago)

Guro: Juan, magbigay ka ng limang hayop na matatagpuan sa Africa.

Juan: Dalawang leon at tatlong elepante po!

Anong pagkain ang nagsisimula sa C at nakarhyme sa parrot?

Carrot.

Ano ang paboritong pun ni Heneral Antonio Luna?

PUNYETA!

Anong soup ang iniinom?

Edi SOUPdrinks. (softdrinks)

What do you call a group of dogs?

Barkada.

Teacher: Juan, what is the meaning of decorum?

Juan: Easy, ma'am! If it's not my room, DECORUM yan!

Saan kumakain ang mga guro?

Edi sa TURO-TURO!

Anong tawag kapag niyakap mo ang mangga?

Manggang HINUG. (mango hug)

Alam mo ba ang pinaka-redundant na English word?

Cleanliness. Kasi clean na nga, liness pa.

Guro: Juan, anong kabisera ng Pilipinas? Juan: Letrang M po. Guro: Bakit M?

Juan: Eh malaking M sa Maynila, e! Kabisera nga, di ba?

Ano ang ginawa ng bamboo nang makita niya ang isa pang bamboo?

Nag-KAWAYAN sila. (kaway)

Filipino Word of the Day: Chicken Nut Bread.

Juan: My girlpren hab asthma, so sometimes chicken nut bread. (she cannot breathe)

Anong Tagalog ng dumbfounded?

Natagpuang tanga.

Ano ang tawag sa mga leader ng saging?

Banana Chip.

What is the name of the naughty toothbrush?

Si Pilyo. (sipilyo)

Anong tawag sa sobrang ikling escalator?

Esca-LITTLE.

Teacher: Juan, use "butter" in a sentence.

Juan: BUTTER late than never, ma'am!

Naniniwala ba akong si Quiboloy ang anak ng Diyos?

He is, after all, Messiahd. (messiah'd)

Sino ang asawa ni Recharge?

Si Sarah. Sarah Lowbatti.

Anong tawag sa bagong CR?

Edi BA-NEW! (bago)

What is the Tagalog word for clinic?

Di Pinindot! (clinic / klinik)

Anong trabaho ni Bill?

Guard siya. Gwardya SiBILL. (civil)

Guro: Kung may limang mansanas ako at kalahati lang ang ibibigay ko sa'yo, ano ang tawag doon?

Juan: Damot po!

What crime is committed when a person steals a cow?

Es-tapa. (estafa)

Anong lalagyan ang palatanong?

BUCKET. (bakit)

May joke ako tungkol sa airport...

Kaso NAIA ako, e. (nahiya)

Guro: Juan, may sampung ibon sa sanga. Binaril mo ang isa, ilan ang natira? Juan: Wala na po, ma'am. Guro: Mali, siyam dapat!

Juan: Hindi po, lumipad lahat sa putok!

Sa bar, may magandang babae: "Whoever can use ‘liver’ and ‘cheese’ in a creative sentence can have me tonight." Chinese: "I love liver and cheese." Japanese: "I hate liver and cheese." Hindi raw sapat.

Pinoy: "Liver alone, cheese mine!"

May Pinoy at dayuhan sa elevator. Bumukas ang pinto, pumasok ang isa pang Pinoy: "Bababa ba?" Sumagot ang isa: "Bababa."

Litong-lito ang dayuhan: "Are you guys speaking a real language?"

Anong tawag sa pusa na nasa gitna ng kalsada?

Edi matapang!

What tree does not belong to you?

Yung kaymito. (kay Mito)

Teacher: Juan, use "information" in a sentence.

Juan: The birds are flying IN-FORMATION, ma'am!

Guro: Bakit ka late? Estudyante: May karatula po sa daan, "School Ahead, Go Slow."

Estudyante: Kaya dahan-dahan po akong naglakad papasok.

Anong tawag kapag nabugbog si Batman?

Bruised Wayne.

Wag kayong makulit, baka kayo...

KAZAKHSTAN! (kasaktan)

Ang susunod na palabas ay rated...

FIJI! (PG)

Pitumpu't pito, pitumpu't walo, pitumpu't siyam...

HAITI! (eighty)

Sandali lang, teka muna...

KUWAIT! (you wait)

Ang jeep at bus ay nasa lupa, ang eroplano naman ay...

ZAIRE! (nasa ere)

27, 28, 29...

TURKEY! (thirty)

Hindi mo naman kausap, pero sabat ka nang sabat...

NEPAL! (ang kapal ng mukha)

Wag kang magpapaloko, baka tangahin ka.

Ayoko maging TONGA. (tanga)

Bilisan mo, naiipit na tayo sa oras!

RUSSIA na tayo! (rush na)

Bakit ka umiiyak, may sakit ka ba?

Oo, may SPAIN. (pain)

Ang sama-sama ng ugali niya.

Parang SAMOA. (sama)

Hindi ako papayag, ayoko nga!

NORWAY! (no way)

Anong lugar ang di dapat buwagin?

Edi the vow

Anong snack ang hepe?

Edi potato chief

Anong pagkain ang mabilis? Fast food! E anong pagkain ang mas mabilis pa?

Edi pasta!

Anong animal ang madaya?

Edi Cheetah

Tinuturuan ni Erap ang apo niya ng action song: "Put your right feet on, put your left feet out." Loi: Dad, it's foot, hindi feet.

Erap: Sorry. Okay — foot your right feet in, foot your left feet out!

Turista: "Manong, ilang oras pa bago makarating sa bayan?" Walang sagot ang manong. Inulit ng turista — wala pa rin. Naglakad na lang siya. Pagkalayo-layo, sumigaw ang manong: "Dalawang oras pa!" Turista: "Bakit di mo agad sinabi?!"

Manong: "E di ko pa alam kung gaano ka kabilis maglakad, e!"

Lola, taimtim na nagdarasal sa simbahan: "Lord, kahit isang mabait na lalaki lang po para sa apo kong dalaga." Pinagbiruan siya ng sakristan, malakas mula sa likod: "AKO ANG DIYOS — ANO ANG HILING MO?"

Lola: "Wala na, Panginoon — baka mamana ng apo ko ang kalokohan mo."

Misis: "Anong ginagawa mo sa cellphone?" Mister: "Wala — tinitignan ko lang." Misis: "Tinitignan? Buong araw?"

Mister: "Inaantay kong mag-ring para may magawa ako."

Nakahiga si Juan Tamad sa ilalim ng puno ng bayabas, nakanganga, hinihintay mahulog ang prutas sa bibig niya. Dumaan ang kaibigan: "Juan, bakit di mo na lang pitasin?"

Juan: "Tamad ka pala — antayin mo na lang ang hangin."

Guro: "Juan, gumawa ka ng pangungusap na may salitang 'lagot.'" Juan: "Opo, Ma'am."

"Kapag nahuli ako sa homework, lagot ako sa Nanay ko."

Sa Land of Oz. Hitler: I'll ask the Wizard for a heart. Erap: I'll ask the Wizard for brains. Clinton (tumitingin-tingin sa paligid):

Where's Dorothy?

Galit na galit si Erap sa mga text joke tungkol sa kanya sa cellphone.

Sabi niya: "Pag hindi kayo tumigil, papuputulan ko kayo ng linya sa Meralco!"

May karatula sa bar: "NO ADMITTANCE BELOW 18." Binilang ni Erap ang barkada niya — 17 lang sila.

Inutusan niya ang isa: "Tawagin mo ang driver para mag-18 tayo bago tayo pumasok!"

Firing squad. Bawat isa, papayagang tumawag ng kalamidad para makatakas. FVR: "Flood!" — nakatakas. Cory: "Earthquake!" — nakatakas. Erap, na-mental block, countdown na: 5, 4, 3, 2, 1...

Erap: "Fire!"

Erap: Wow, ang bango mo! Anong pabango mo? Loi: Secret!

Erap: Secret? Di ba pinapahid yun sa kili-kili?

Nanay: "Anak, kanino ka nagmana ng katalinuhan?" Anak: "Siguro kay Tatay, Nay." Nanay: "Bakit naman?"

Anak: "Kasi nasa iyo pa rin ang sa iyo, e."

Asawa: "Mahal, kung mamatay ako, mag-aasawa ka ulit?" Mister: "Siguro hindi." Asawa: "Bakit? Ayaw mo na ng kasama?" Mister: "Sige, oo na." Asawa: "Ipapatira mo sa kanya ang bahay natin?" Mister: "Oo." Asawa: "Ipapahiram mo ang kotse ko?" Mister: "Oo."

Asawa: "Ipapagamit mo ang golf clubs ko?" Mister: "Hindi — kaliwete siya."

Doktor: "Mister, kailangan mong tumigil sa pag-inom, paninigarilyo, at puyatan." Pasyente: "Doc, gagaling ba ako?" Doktor: "Hindi naman."

"Pero mas matagal kang magmumukmok na malungkot."

Reporter: "Mr. Mayor, ano ang plano n'yo sa kahirapan?" Mayor: "Aalisin natin ang kahirapan." Reporter: "Paano po?"

Mayor: "Tatanggalin natin sa diksyunaryo ang salitang 'mahirap.'"

Pulis: "Mister, bakit nagmamaneho ka nang patay ang ilaw?" Lasing: "Patay ang ilaw?!"

"Akala ko nakapikit lang ako, pare!"

Nagkumpisal si Pedro: "Father, kinuha ko ang isang manok ng kapitbahay. Heto, sa inyo na lang." Pari: "Hindi pwede, anak. Isauli mo sa may-ari." Pedro: "Ayaw nilang tanggapin, Father."

Pari: "Kung ganoon, sa iyo na." Kinabukasan, nawawala ang manok ng pari.

Bisita: "Pareng Juan, bakit may dalawang kabaong sa harap ng bahay mo?" Juan: "Namatay ang biyenan ko." Bisita: "Eh yung pangalawa?"

Juan: "Pumunta ang manugang ng biyenan ko para makidalamhati — dito siya tumira... namatay rin sa gutom."

Doktor: "May masama at magandang balita ako. Ang masama, naputol namin ang maling binti mo." Pasyente: "Diyos ko po! Ano pa ang magandang balita?!"

Doktor: "Yung katabi mong pasyente, interesadong bilhin ang tsinelas mo."

Sinabihan ng amo ang bagong katulong: "Inday, pag may bisita, sabihin mong wala ako." Kinabukasan, dumating ang bisita.

Sigaw ni Inday mula sa loob: "Sir! Yung sinabi n'yong sabihin kong wala kayo — nandiyan na po!"

Matandang mag-asawa. Sabi ng lola: "Lolo, naaalala mo pa ba noong manligaw ka? Hinahawakan mo ang kamay ko sa ilalim ng mesa." Lumipat ang lolo sa tabi niya, hinawakan ang kamay.

Lola: "Naku, hindi yan — natutulog ka noon. Aba, ang init ng kamay mo!"

Kapitbahay: "Mang Kardo, bakit umiiyak ang mga anak mo?" Mang Kardo: "Sinabi ko sa kanila na walang Santa Claus." Kapitbahay: "Naku, masama yon!"

Mang Kardo: "Wala akong magawa — pumunta kasi siya sa bahay, naniningil ng utang."

Tinanong ang lolo kung ano ang sekreto ng 60 taong masayang pagsasama nila ng lola. Lolo: "Noong kasal kami, nagkasundo kami. Ako ang magdedesisyon sa malalaking bagay, siya sa maliliit."

"Hanggang ngayon, wala pa kaming naeengkwentrong malaking bagay."

Binata: "Tay, mahal na mahal ko ang babaeng ito. Pero ayaw ng pamilya niya na magsama kami." Tatay: "Anak, makinig ka. Yan ang pinakamalakas na dahilan para mag-asawa kayo."

"Tingnan mo ako't ang nanay mo — ikinasal kami nang walang pumipigil. Tingnan mo ngayon."

Estudyante: "Ma'am, tama bang parusahan ang tao sa hindi niya ginawa?" Guro: "Siyempre hindi, anak. Mali yon."

Estudyante: "Buti naman po — kasi hindi ko po nagawa ang homework."

Anak: "Tay, totoo bang sa langit, isang araw lang parang isang libong taon, at isang piso parang isang milyon?" Tatay: "Oo, anak." Anak: "Tay, bigyan mo nga ako ng isang piso."

Tatay: "Sandali lang, anak — isang segundo."

Tatlong matandang bingi sa jeep. Una: "Maganda ang panahon, ano?" Pangalawa: "Hindi, Huwebes ngayon."

Pangatlo: "Ako rin, nauuhaw na ako — tara, inom tayo."

Namatay ang pari at ang driver ng jeep, magkasabay sa langit. Mas maganda ang bahay na binigay sa driver. Pari: "San Pedro, pari ako buong buhay — bakit mas maliit ang bahay ko?" San Pedro: "Father, tuwing nangangaral ka, natutulog ang mga tao."

"Pero tuwing nagmamaneho ang driver na ito, lahat ng pasahero nagdarasal!"

Lalaki sa doktor: "Doc, tuwing umiinom ako ng kape, may sumasakit sa mata ko." Doktor (matapos suriin):

"Subukan mong tanggalin muna ang kutsara sa tasa."

Erap: Hello, how long is the flight to San Francisco? Operator: Just a minute, sir...

Erap: Thank you! (klik)

Zamora: Sir, pwede bang palitan itong laptop ko? Masyadong mabigat. Erap: Bakit di ka mag-delete ng files...

...para gumaan?

Classmate: What is 5 plus 4? Erap: Eh di 9! Classmate: What is 4 plus 5?

Erap: Gagaguhin mo pa ako, binaligtad mo lang... eh di 6!

Hinahanap ng Abu Sayyaf sina FVR, GMA at Erap na nagtago sa loob ng sako. Sinipa ang sako ni FVR: "Arf! Arf!" Kay GMA: "Meow! Meow!" Sinipa ang sako ni Erap:

"Patatas! Patatas!"

Bakit binaril ni Erap ang asawa niya nang bumili sila ng bahay?

Kasi sa kontrata nakasulat: "Execute all 3 copies together with your wife."

Stewardess: Sir, coffee, tea, or milk? Erap, hindi makapagdesisyon:

Yes!

Malacañang hotline: "Press 1 para sa unang asawa. Press 2 para sa pangalawang asawa."

"Press 3 kung mayroon kayong maire-rekomenda!"

Kailangan ng props para magpanggap na athlete sa Olympics. FVR: Pana ako — archery! Joe de V: Flagpole ako — pole vault! FVR: Erap, bakit may dala kang barbed wire?

Erap: Athlete ako ng fencing!

Naliligo si Erap nang biglang lumindol. Tumakbo siya palabas ng hotel na walang saplot. Guard: Mr. President, may nakalimutan kayo!

Erap: Ay! Yung wristband ko!

Tinanong ni Clinton si Erap kung gusto pa ng dagdag na ulam sa tanghalian.

Erap: No thank you, I'm fed up already.

Teacher: Give me an example of a beast of burden. Erap: Carabao, ma'am! Teacher: Very good. Can you give another example?

Erap: How about another carabao?

Erap: What time does the library open? Librarian: Nine A.M. Bakit gusto mong pumasok bago mag-alas-nuwebe?

Erap: Sino'ng gustong pumasok? Gusto kong lumabas!

Itinatama ni Loi ang pagbigkas ni Erap: "buffet, hindi buff-fett"; "valet, hindi va-lett." Erap: Sige na, magbayad na tayo —

akina yung "wa-ley" ko!

Ambassador: I haven't met your wife. Where is she? Napadaan si First Lady Loi.

Erap: Oh, my wife just passed away.

Easycall operator: Sender's name? Erap: Erap Estrada. Operator: Message please?

Erap: Jinggoy, this is papa. Nasa akin ang pager unit mo.

Driver: Sir, pakitingin kung umiilaw ang signal light. (binubuksan ang signal)

Erap: Gumagana, ay ayaw, ay gumagana, ay ayaw, ay gumagana, ay ayaw...

Nag-IQ test si Erap. Sabi ng doktor: "Mr. President, may masamang balita. Negative ang resulta."

Erap: Mabuti naman, akala ko may sakit ako!

Quiz bee: "Old McDonald had a ___." Spell the answer. Erap (confident): Sigurado ako dito!

"Old McDonald had a farm — E-I-E-I-O!"

Erap: Doc, my wife is in labor! Doc: Is this the first baby?

Erap: No doc, this is Erap!

Anong fish ang hindi makapal?

Edi ManiFISH!

Anong isda ang bumabaril?

Edi BANGus!

Saan iniiwan ng mga aso ang kotse nila?

Sa BARKING LOT!

Ano ang paboritong palaman sa tinapay ng astronaut?

Edi LAUNCHEON meat!

Ano ang sabi ng isda nang hiwain siya sa gitna?

Edi I'm tuna! (two na)

Ano ang tunog ng aso pag nauntog?

Edi DOG.

Ano ang sabi ng bangus nang mamamatay na siya?

Edi I'm daing! (dying)

Ano ang katabi ng USA?

Edi USB.

Ano ang tawag sa fish na peke?

Edi Arti-FISH-al!

Ano ang gamot sa sugat ng balat ng baboy?

Edi OINKMENT!

Ano ang tawag sa doctor ng mga fish?

Edi FISHician!

Ano ang karaniwang sakit ng mga martial arts champion?

Edi KUNG FLU!

Ano ang paboritong palaman ng MMDA?

Edi TRAFFIC JAM!

Anong hayop ang nagpapasaya?

Edi tar-cheer

Bulkan ka ba?

Kasi ALAB you

Ano ang first name ni Basilio?

Lacto Basilio. (Lactobacillus)

Anong apelyido ni Sisa?

Sisa Mistrit. (Sesame Street)

Anong apelyido ni Beast?

Beast Kwit. (Biscuit)

Ano ang first name ni Volta?

Johntra Volta. (John Travolta)

Ano ang first name ni Kenny G?

Johnep Kenny G. (John F. Kennedy)

Anong apelyido ni Curly?

Curly Gazpi. (Ker Legazpi)

Anong apelyido ni Cedie?

Cedie Player. (CD Player)

Ano ang first name ni Diether?

Tirso Cruz Diether. (Tirso Cruz the Third)

Ano ang first name ni Squall?

Piolopa Squall. (Piolo Pascual)

Ano ang last name ni Anchor?

Anchor Tis. (Anne Curtis)

Ano ang last name ni Jewel?

Jewel Torre. (Joel Torre)

Anong apelyido ni Denzel?

Denzel Weta. (Don Zulueta)

Ano ang first name ni Janno?

Eduman Janno. (Edu Manzano)

Ano ang last name ni Kula?

Kula Desma. (Kuh Ledesma)

Anong first name ni Nemo?

Sarahgero Nemo. (Sarah Geronimo)

Anong first name ni Keno?

Krisa Keno. (Kris Aquino)

Ano favorite subject ng mga isda?

Edi fishiks

Anong hayop ang di naiinsulto?

Edi Lion

Anong hayop ang palaging aprub?

Edi Ox

Anong hayop ang di sure

Edi baka

Ano tawag sa baka na walang paa?

Edi ground beef

Ano sabi nung jeep nung may baka sa daan?

Edi Beef! Beef!

E sinong artista ang mas maraming ngipin?

E di si Edgar More teeth

Sinong artista ang maraming ngipin?

Edi si Matet

Bakit mayaman si Jesus?

kasi Jesus saves

Ano tawag sa maraming pusa

Edi pang-cat

SM ka ba?

Cause you've got it all

Ano ang tawag sa maliit na kambing?

Edi kapirangGOAT.

Sino ang misis ni Noah?

Edi Joan of Arc.

Ano ang tawag sa maliit na panda?

Edi PANDAk.

Ano ang tawag sa maliit na aso?

Edi kapirASO.

Ano ang tawag sa maliit na pusa?

Edi CATiting.

Ano ang tawag sa pusong sumusugod?

Edi heart attack.

Ano sa English ang maliit na nunal?

Edi SMOLE.

Ano ang tawag sa maliit na tsunami?

Edi tsuNANO.

Ano ang tawag sa maliit na bull?

Edi BULLilit.

Ano ang tawag sa isdang marelihiyoso?

Edi FISH be with you.

Ano ang tawag sa maliit na kapre?

Edi KAPREyanggot.

Ano ang hayop na tapos nang magperform?

Edi kalaBOW.

Screw ka ba?

Kasi habang umiikot ka sa isip ko, lalo kang bumabaon sa puso ko.

Army ka ba?

Kasi you AR-MY one and only.

Nine ka ba?

Kasi NINE-love na ako sa'yo.

Issue ka ba?

Kasi all I want for Christmas, ISSUE.

Stapler ka ba?

Ako kasi 'yung papel na handang masaktan, makasama ka lang.

Kadiliman ka ba?

Kasi kapag nandyan ka, wala akong nakikitang iba.

Remote control ka ba?

Kasi kahit malayo ka, natu-turn on mo ako.

Tubig ka ba?

Ako kasi 'yung isda, di ako mabubuhay nang wala ka.

Taxi ka ba?

Kasi habang tumatagal, lalo akong napapamahal sa'yo.

Wifi ka ba?

Kasi ramdam ko ang connection natin.

Sipon ka ba?

Kasi lagi kang nandyan pag umiiyak ako.

Engineer ka ba?

Kasi gusto kitang makasama, engineer future.

Jeep ka ba?

Kasi PARA PO ako sa'yo.

Utot ka ba?

Kasi U-TOT me how to love.

Mall of Asia ka ba?

Kasi ayoko, MOA-lay ka sa piling ko.

Mermaid ka ba?

Kasi pag wala ka, SIRE-NA araw ko.

Pustiso ka ba?

Kasi I can't smile without you.

May lisensya ka ba?

Coz you're driving me crazy.

Alarm clock ka ba?

Ginising mo kasi ang natutulog kong puso.

Aanhin pa ang gravity?

Kung lagi lang naman akong mahuhulog sa iyo.

Ini-SMALL ka ba nila?

Wag ka mag-alala, inii-BIG naman kita.

Sweswertihin ka ba sa pag-ibig ngayong taon?

Oo, pag naging akin ka.

Paborito mo bang subject ang geometry?

Kasi kahit anong angle, ang cute mo.

Nabibingi na ba ako?

Kasi my heart keeps screaming out your name.

Are you a dictionary?

Coz you add meaning to my life.

Magaling ka siguro sa puzzles.

Kasi umaga pa lang, nabuo mo na ang araw ko.

May butas ba ang puso mo?

Na-trap kasi ako, can't find my way out.

Anong height mo?

Pa'no ka nagkasya sa puso ko?

Mahilig ka bang magluto ng pancit canton?

Kasi pag kasama kita, feeling ko LUCKY ME.

Ikaw ba ang GPS ng buhay ko?

Kasi walang direksyon kapag wala ka.

Exam ka ba?

Gustong-gusto na kasi kitang i-take home.

Alam mo bang scientist ako?

At ikaw yung LAB ko.

Ice ka ba?

Crush kita, okay lang?

Miss, alam mo ba? Hindi tayo tao, hindi tayo hayop, hindi tayo halaman.

Bagay tayo. Bagay.

Pwede ba kitang maging driver?

Para ikaw na ang magpatakbo ng buhay ko.

Ilaw ka ba?

Kasi pag wala ka, dumidilim na.

Kumain ka ba ng asukal?

Ang tamis kasi ng ngiti mo.

EDSA ka ba?

Di kasi ako makapag-move on.

Sana ulan ka at lupa ako.

Para kahit gaano kalakas ang patak mo, sa akin pa rin ang bagsak mo.

Libro ka ba?

Kasi naiwan mo ang marka mo sa pahina ng buhay ko.

Tapos na ba ang exam mo?

Para naman ako sagutin mo.

Bakit malungkot si Jesus?

Kasi Jesus cries

Ano'ng nauna -- bills o coins?

Coins! Kasi... coin PURSE (first).

Ano'ng ring ang pa-kwadrado?

Eh 'di... BOXING RING!

Ano'ng hayop ang wala lang?

Eh 'di... LION (''La 'yon)!

Ano'ng bentilador ang hot?

Eh 'di... SILING fan (ceiling)!

Bakit nagdala si Juan ng sisiw sa sabungan?

May laban daw 'yung tatay niya, kailangan ng moral support!

Ano'ng kabaliktaran ng kaluluwa?

Eh 'di... kalulunok!

Anong isda ang nakakasulat?

Eh 'di... laFISH! (lapis)

Anong fish ang 'di makapal?

Eh 'di ManiFISH!

Ano'ng mas nakakadiri sa uod na nakita mo sa prutas mo?

Eh 'di yung kalahating uod na lang! (Ewww)

Bakit madaling timbangin ang mga isda?

May sarili silang SCALES eh!

Ano'ng mangyayari 'pag nahulog mo ang isang pulang sumbrero sa asul na dagat?

Eh 'di mababasa yung sumbrero!

Ang common na sakit ng mga martial arts champions ay... KUNG FLU!

Ano ang pwede mong gawin sa GABI na hindi mo pwedeng gawin sa UMAGA?

Eh 'di... MAGPUYAT.

Hulaan mo ang paboritong palaman sa tinapay ng astronaut. Eh 'di LAUNCHEON meat!

Ano'ng gamot sa mga sugat ng balat ng baboy?

OINKMENT!

Ano ang maraming sakay, jeep o ambulansya?

Syempre ang ambulansya! Kasi, ang jeep ay 10-10 lang ang bawat side samantalang sa ambulansya, madalas na 50-50 ang sakay.

Ano ang pagkakaparehas ng UTOT at TULA?

Pareho silang nagmula sa POET.

Bakit maswerte ang kalendaryo?

Kasi maraming siyang date.

Ano'ng tanong ng tatay ulan sa baby ulan?

"Tatay? Ambon ba ako?"

Alam mo ba ang tunog ng aso 'pag nauntog siya?

Eh 'di... DOG.

Alam mo ba kung bakit bawal maggupit ng kuko sa gabi?

'Di dahil mamalasin ka; lalabo ang mata mo! Ang dilim eh!

Anong fish ang may lahing insekto?

Eh 'di... i-FISH! (Ipis)

Alam mo ba ang tawag sa fish na peke?

Eh 'di... Arti-FISH-al!

Ano'ng tawag sa malungkot na pari?

Eh 'di... Depriest...

Sa'n nagtatrabaho ang mga isda?

Eh di ofFISH! (office)

Ano'ng lugar sa Maynila ang pumuputok?

Eh 'di... AlaBang Bang!

Bakit pumupunta ang mga fish sa pari?

Para magkum-FISH-al!

Sinong artista ang mahilig sa noodles?

Eh 'di... si Vic Sottonghon.

Ano'ng isda ang pinaka matanda?

Eh 'di... Century Tuna!

Ano'ng pagkain ang pwedeng magamit ng dalawang baboy?

Eh 'di... Tupig!

Ano'ng sabi ng baby rubber band sa mommy rubber band?

Eh 'di... GO MA!

Ano'ng isda ang pwedeng gawing dessert?

Eh 'di... BalYEMA.

Saang bansa ang paboritong pasyalan ng mga fish?

Sa FIN-land!

Ano'ng tawag sa mas malaking city?

Eh 'di... utsu.

Sa'ng lugar 'yung magulo?

Eh 'di... sa Bohol.

Ano'ng insekto ang walangg gilagid?

LANGGAM (Walang gum).

Ano ang bulletproof na isda?

Eh 'di... Pating!

Anong isda ang hindi nababasa?

Eh 'di... tuyo (dried)!

Ano'ng makukuha mo 'pag piniga mo ang isang pari?

Eh 'di... ReliJuice (minus ligtas points again).

Ano namang tawag sa tropa mong pandak?

Eh 'di... Li' 'Tol.

Ano'ng tawag sa tropa mong matangkad?

Eh 'di... 'Tol.

Sinong NBA player ang laging may stiff neck?

Eh 'di si... StiffNeck Curry!

Sinong fish ang pumapalit 'pag wala ang Boss?

Eh 'di Ang o-FISH-er in charge!

Ba't daw bawal mag-jacuzzi ang mga kalbo?

Kasi magmumukha silang squidballs.

Ano pa ang ibang tawag sa holy water?

Eh 'di... panginoong juice (minus ligtas points).

Ano'ng sabi ng bangus nang mamamatay na siya?

Eh 'di... I’m daing! (dying)

Ano'ng katabi ng USA?

Eh 'di... USB.

Ano 'yung whole name ni Cedie, ang Munting Prinsipe?

Cedie R. King (CD R-King).

Ano'ng isda ang mahilig mambola?

Eh 'di... Fishball!

Ano'ng sabi ng isda nung nakita niya 'yung friend niya?

ISDA you?????

Alam mo ba anong tawag sa isdang bumabaril?

Eh 'di... BANGus!

Bakit may K ang dark imbes na C?

Eh kasi you can't C in the dark.

Ano'ng sabi ng isda nang hiwain siya sa gitna?

Eh 'di... I’m tuna (two na).

Sino'ng nanay ni Pikachu?

Eh 'di si... Cherry Pie PIKACHU.

Ano'ng tawag sa doctor ng mga fish?

Eh 'di... FISHician! (Physician)

Bakit mahirap kontakin ang mga mangingisda?

Kasi... gamit nila 'yung lambat!

Ano'ng buwan ang fiesta ng mga fish?

Eh 'di May 1, kasi FISH-tang Dagat.

Saang subject laging bumabagsak ang mga isda?

Eh 'di sa FISHsics! (Physics)

Ano sa Japanese ang speechless?

Eh 'di... WASABI.

Ano'ng sabi ng daddy donut sa baby donut na nasa taas ng puno?

BAVARIAN (Baba riyan)!

Ba't malungkot kapag undas?

Kasi 'pag binaliktad mo... SADNU.

Ano'ng shoe ang mas masakit?

Eh 'di... SHOE-gat!

Ano'ng shoe ang masakit?

Eh 'di... SHOE-ntok!

Sinong shoe ang sikat?

Eh 'di si Liza Shoe-berano at Enrique Heels.

Ano'ng paboritong palaman ng MMDA?

Eh 'di... TRAFFIC JAM!

Ano'ng subject ang paborito ng mga fish?

Eh 'di... FISHical Education! (Physical Education)

Ano'ng isda ang nakalutang sa tubig?

Eh 'di 'yung patay na isda!

Ano'ng tawag sa astig na alaga?

LUPETS!

Ano'ng pangalan ng lider ng bibe na nagsabi ng kwak-kwak?

Justin... Justin Bibe!

Ano'ng buhok ang pumuputok?

Eh 'di BANGS!

Ano'ng tawag sa grupo ng mga aso?

Eh 'di ASO-ciation!

Bakit gising magdamag ang mga bampira?

Nag-aaral sila para sa kanilang blood test!

Keyboard ka ba?

Kasi type kita.

Ano'ng TV show ang pinapanood ng mga bibe?

Eh 'di DUCKUMENTARIES!

Ano'ng sabi ng baboy nung nakita niya 'yung baka?

Meat tayo!

Espanyol ka ba?

Sinakop mo kasi ang puso ko.

Christmas ka ba?

Kasi I wanna merry you!

Alam mo ba kung anong sasakyan ni Jollibee?

Eh 'di BEE-M-W!

Saan nagdedeposit ang mga bampira?

Eh 'di sa BLOOD BANK!

Bangin ka ba?

Nahulog kasi ako sa'yo.

Crayola ka ba?

Kasi nagbibigay ka ng kulay sa buhay ko.

Pulis ka ba?

Kasi nahuli mo ang puso ko.

Kape ka ba?

Kasi hindi ako makapagsimula ng araw nang wala ka.

Kung posporo ka at posporo din ako,

eh di MATCH tayo!

Utang ka ba?

Kasi habang tumatagal, lumalaki ang interes ko sa'yo.

Centrum ka ba?

Kasi you make my life complete!

Meralco ka ba?

Kasi pag ngumiti ka, may spark.

Ano'ng kinakain ng mga pusa sa umaga?

Eh 'di MICE KRISPIES!

Saan nagpapagupit ang mga tupa?

Sa baa-baa shop!

Ano'ng gulay ang marunong maglaro ng billiards?

Eh 'di CUE-CUMBER!

Ano'ng halik ang lumilipad?

Eh 'di Halik-copter!

Password ka ba?

Hindi kasi kita makalimutan.

Ano'ng insekto ang walang gilagid?

Eh 'di LANGGAM (walang gum).

Google ka ba?

Kasi nasa iyo lahat ng hinahanap ko.

Bakit masaya ang calendaryo?

Kasi marami siyang date

What do you call slippers with a goatee?

CHIN-elas!

Tanong: Ano sa Hapon ang "Is this your car"? Sagot: Otomoto? Tanong: Ano sa Hapon ang "This is my car"? Sagot: Otokoto.

Ano'ng tawag ng batang langgam sa kapatid na babae ng nanay niya?

Eh 'di... ANTY!

Ano ang binibigay ng doktor sa ibong may sakit?

Eh 'di... TWEETMENT!

May tatlong lalake na tumalon sa tubig, ilan ang nabasa ang buhok?

Wala. Kalbo silang lahat eh.

Ano ang makukuha mo sa baboy na magaling mag-karate?

Eh 'di... PORK CHOP!

Anong key ang nakakabukas ng saging?

Eh 'di... MONKEY!

Ano'ng favorite sport ni Dracula?

Eh 'di... BAT-MINTON!

Bakit kailangang lagyan ng gulong ang rocking chair ni lola?

Para makapag-rock and roll siya!

Ano ang cellphone ng matatanda?

Eh 'di... MOTOLOLA.

Ano'ng puno ang hindi pwedeng akyatin?

'Yung nakatumba!

Ano'ng bagay ang nagsisimula sa T at nagtatapos sa T at may T rin sa loob?

Eh 'di... TEAPOT!

What do you call pan de sal that's no longer warm?

Fan de Sal.

Ano'ng room ang walang dingding at pinto?

Eh 'di MUSHROOM!

Anong sabi ng paniki nung pinagbibintangan siya?

"Bat ako?" (Bakit ako?)

Ano'ng pagkakaiba ng Biology at Sociology?

'Pag kamukha ng tatay ang sanggol, Biology 'yon. 'Pag kamukha naman ng kapitbahay ninyo ang sanggol, Sociology 'yon.

Ano ang pinakamataas na building sa buong mundo?

Eh 'di yung library, kasi maraming STORIES doon!

What do you call luxury slippers?

Chanel-as.

Ano'ng tawag sa Pinoy na nilibing ng buhay?

A libing thing...

Bakit bawal umutot sa Apple store?

Kasi... walang Windows.

What do you call a very secretive uncle?

Incog-tito.

Bakit malungkot ang kalendaryo?

Kasi bilang na ang araw niya.

Knock knock! Who's there? Hiphop. Hiphop who?

HIPHOPatawad mo... minahal kita agad.

Pa'no mo hahatiin sa dalawa ang dagat?

Gumamit ka ng SEASAW!