Bugtong at Sagot (Classic Filipino Riddles)

Katutubong bugtong, the folk riddles passed down before the internet. Written down here so they do not get lost, with the sagot hidden until you guess. Open Tito Jokes to rate them and add your own.

Naligo ang kapitan, hindi nabasa ang tiyan.

Bangka

Nang hatakin ko ang baging, nagkagulo ang mga tuko.

Kampana

Isang balong malalim, punong-puno ng patalim.

Bibig

Hindi hari, hindi pari, nagdaramit ng sari-sari.

Sampayan

Walang puno, walang ugat, hitik na hitik sa bulaklak.

Langit at mga bituin

Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.

Banig

Baboy ko sa pulo, ang balahibo ay pako.

Langka

Kung araw ay patay, kung gabi ay buhay.

Ilaw

Bahay ni Giring-giring, butas-butas ang dingding.

Bithay

Buto't balat, lumilipad.

Saranggola

Heto na si Lolo, hila-hila ang bituka.

Karayom at sinulid

Isang prinsesa, nakaupo sa tasa.

Kasoy

Nagtago si Pedro, ang ulo'y nakalitaw.

Pako

Eto na si Kaka, bubuka-buka.

Gunting

Baston ni Adan, hindi mabilang.

Ulan

May tatlong lalake na tumalon sa tubig, ilan ang nabasa ang buhok?

Wala. Kalbo silang lahat eh.

Ano'ng puno ang hindi pwedeng akyatin?

'Yung nakatumba!

Ano'ng bagay ang nagsisimula sa T at nagtatapos sa T at may T rin sa loob?

Eh 'di... TEAPOT!

Back to the full archive.